ONE "Can I ask a favor? Let's not talk about our problems today. And no more talks about Uno and Ash for the meantime. Let's just enjoy this day," I asked with full of anticipation. I know I was being selfish right now. Pero, kung hindi ko ito gagawin ngayon, hindi ko na ito magagawa sa ibang pagkakataon. "You mean, ikaw at ako lang ngayong araw?" Tumango ako. "Ikaw at ako lang." Right. Ikaw at ako lang. Walang 'tayo'. Kinabahan ako sa hindi niya agad pagsagot. Akala ko ay hindi siya papayag kaya bahagya pa akong nagulat nang tumango siya at sumilay sa mga labi niya ang isang matamis na ngiti. "Okay, deal. Let's enjoy this day. Wala munang Uno at Ash. Ikaw lang at ako ngayong araw." Hindi ko napigiling makaramdam ng tuwa sa naging sagot niya. And I couldn't help but smile back a