SKYE "Why a woman?" tanong ko kay Cliffer nang maabutan ko siyang nagdo-drawing sa ilalim ng malaking puno kung saan tanaw ang malawak na soccer field ng MEU. Mabilis niyang tinakpan ang sketch pad bago ko pa man matitigang mabuti kung sino ang babaeng iginuguhit niya. Parang pamilyar sa 'kin ang mukha nito, pero hindi ko lang matukoy kung sino lalo na at hindi pa niya tapos. Sketch pa lang at kulang pa sa detalye ang iginuguhit niya. I sat beside him. "Ang subject na naka-assign sa 'tin para sa art project ay isang magandang bagay na nangyari sa buhay natin. So, bakit babae?" "Just because," he answered without even looking at me. "Ah. Akala ko pa naman dahil literal na bagay kayo," I teased him, emphasizing that word. "Dami mong alam." Napailing ako sa pasarin