SKYE "What's the real score between you and Uno?" "Anong meron sa inyo?" "Kayo na ba?" Iyan ang sunud-sunod na tanong nina Lynn, Hillary at Rillette nang hilahin nila ako dito sa EIC office at corner-in sa isang sulok. Seryoso ang mga tingin nila sa 'kin. Tatlong araw na rin ang nakakalipas nang magpunta ako sa mansion ng mga Montecaztres at magkausap ulit kami ni Uno. Nagulat na lang ako no'ng Monday paglabas ko sa bahay namin ay naroon na siya at naghihintay. Sabay na raw kaming pumasok. For the past days, consistent ang pagpunta niya sa 'min para sunduin ako. Hinihintay at inihahatid niya rin ako pauwi pagkatapos ng klase ko. Kung tutuusin, mas madalas na kaming magkasama at magkausap kaysa sa mga flings niya. No, scratch that. Hindi ko na siya nakikitang may kinakausap at nilaland