CHAPTER 61: KUNG HINDI LANG AKO BAGONG PANGANAK, TUMAKBO PA SANA AKO PARA LANG makatakas sa kaniya. Pero wala na akong magawa nang maglakad siya palapit sa gate, binuksan iyon at saka siya lumabas. Halata ang galit sa kaniyang mga mata, halata ring nagmamadali siyang pumunta rito dahil hindi manlang siya nakapagsuot nang maayos. His eyes went down to my belly and then he gulped. "W-what happened? Why does your belly looks so small?" kaagad na tanong niya, halatang kinakabahan. Nilingon ko si Lola na nasa tabi ko, kitang-kita kong galit siya pero nagtitimpi lang dahil alam kong ayaw niyang atakihin siya sa puso. Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya at buong tapang na sumagot. "N-nanganak n-na ako. . ." Umawang ang labi niya sa sinabi ko, nag-angat siya ng tingin sa akin. "W-where'