CHAPTER 34: ILANG ARAW NANG PANAY ANG POP-UP NG PANGALANG ZDA24 sa notifications ko pero palaging has been deleted ang comment. Naiinis na ako, hindi ko alam kung si Zareb ba talaga ang nagko-comment pero nakakainis dahil umaasa ako at hindi ko kayang balewalain ang notifications. Pero ngayong umaga lang, habang nagkakape kami ni Nora at nagbo-browse ako ng mga comments sa bagong episode ng webtoon series ko. Biglang nag-pop up ang comment na galing sa kaniya. Mabilis lang iyon, at mabilis ko ring nakita ang comment. ZDA24: This story feels like us. I am the bad boy who wants to be with you even though you're taken. Is this inspired to your true to life story with me? Saktong natapos kong basahin ang comment ay ini-delete niya ang comment. Napakurap ako habang nakatitig sa screen ng c