CHAPTER 59: MABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW AT NAKAUWI NA SI ZAREB sa Manila. Kapag talaga kasama mo 'yong taong mahal mo, ang bilis lumipas ng oras at araw. Kapag gusto mo siyang mas makasama nang mas matagal, parang iyong isang linggo ay isang araw lang. Kaya nga dapat, cherish every moment with someone you love. Kasi hindi natin alam kung gaano kabilis na tatakbo ang mga oras kapag kasama natin. . . Hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang isang bagay na dapat pumasok na sa isip ko noong una pa lang. Bigla na lang akong nagising ngayong umaga at naisip iyong bagay na 'yon. "Alam na kaya ng mga magulang niya na buntis ako?" tanong ko sa aking sarili. Kanina pa ako nakatitig sa monitor ng drawing tablet ko, naubos ko na rin ang itinimpla kong gatas pero hindi pa