CHAPTER 27: "HINDI KA BA MAGTATRABAHO, ATENG?" Nilingon ko si Nora, kalalabas niya lang galing sa kwarto dala ang malaking mug ng kape. "Hindi ako mapakali," sagot ko. Ilang beses ko nang sinilip ang phone ko para tingnan ang oras. Habang paulit-ulit na sinisilip ko ang oras, mas lalong bumabagal. "Gusto mo nang makausap si Stefano, ano?" obvious na tanong niya. Bumuntonghininga ako at muling sinilip ang cellphone ko. May text na naman galing kay Zareb. . . na kanina ko pa iniignora. Hindi ko pa siya handang kausapin, siguro kakausapin ko lang siya sa oras na makipaghiwalay na ako kay Stefano. "Gusto ko nang aminin ang lahat para matapos na 'yong konsensyang nararamdaman ko." Binuksan ko ang text messages na sinend sa akin ni Zareb. From Zareb: Please text me back, I'm waiting.