CHAPTER 54: MABUTI NA LANG AT HINDI SINABI NI NORA KUNG NASAAN AKO dahil hindi ko na talaga siya mapapatawad oras na sinabi niya. Hindi ko gustong hanapin pa ako ni Zareb kahit pa nalaman niya na ang totoo. Nasaktan ako na pinagsinungalingan kami ni Stefano pero ano pa bang magagawa ko? Nangyari na ang lahat at wala na akong magagawa pa. Isang buwan matapos ibalita sa akin ni Nora na nalaman na ni Zareb ang tungkol sa magiging anak namin, wala na akong naging balita kay Nora. Palagi siyang tumatawag pero hindi na niya binabanggit pa ang tungkol kay Zareb at nagpapasalamat ako roon. Ayaw ko na rin siyang isipin lalo na't ayaw ko nang dumaan pa sa stress. Na-depressed ako noong nalaman kong alam na ni Zareb ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ilang araw akong hindi mapakali, ilang araw akong h