BLAKE "Pare, Sigurado ka ba diyan sa ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Kenneth habang prenteng naka-upo sa sofa bed na nasa may opisina ko, "Baka kasi pagsisihan mo rin 'yang ginagawa mo sa asawa mo, balang-araw." "Wala naman akong ginagawa ah?" Ani ko sa kanya habang nananatiling nakapukol ang aking paningin sa screen ng laptop, "Wala pa akong ginagawa." "Eh paano 'kung iba 'yung lumabas sa pinapa-imbestigahan mo? Paano kung ikaw talaga ang ama ng dinadala ni Cassie noon at hindi si Lucas? Eh 'di napahiya ka?" "Sigurado ako 'don." "Sure ka? Eh wala ka ngang pruweba." Napatigil ako, "Niloko niya ako, Lucas. Sa tingin mo hindi pa ba pruweba iyon?!" "Oh.. Chill lang pare." Napahinga na lamang ako ng malalim at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko. Kadalasan ay bumibisita si Kenneth dito sa