TWENTY-NINE: "Pretend." Talagang natawa na siya roon. Para sa kanya’y ini-exaggerate lamang ni Gabriel ang petty crush nito kay Louisa kaya kung anu-anong sinasabi nito at halos sambahin ang dalaga. He couldn’t blame the man, though. Siya man din ay labis-labis ang paghangang nadarama para sa isang Louisa Flores. Tatawa-tawang umiling na nga lang siya. “Saviour? Aren’t you just exaggerating your crush towards her? Move on, man! It’s been a long time! Sabi mo pa nga’y 19th birthday mo pa no’ng una mo siyang makita at maka-encounter. Now, you’re turning twenty… ano na nga ‘yon? Sorry, nakalimutan ko.” “Turning twenty-six. Pero seryoso, ‘di ako nagbibiro, at hindi ako nag-e-exaggerate kasi totoo ang sinasabi ko, Haris. You know she once saved me from a—you know—dangerous situation, kaya hu

