SIXTEEN: "His true heart..." RAMDAM ni Haris ang pagkagulo sa totoong nararamdaman ng kanyang puso. Mula sa loob ng kanyang sasakyang nakatigil sa isang hindi kalayuang banda’y mabigat ang kanyang dibdib na tinitigan at tahimik na pinanuod si Louisa sa paglabas nito mula sa matayog na building ng Montano Ads at mag-isang naglakad. Sinundan lamang niya ito ng mararahang tingin hanggang sa tuluyan itong naglaho sa kanyang mga mata. Napabuntong siya. Gulong-gulo siya sa kung ano bang dapat na maramdaman niya. These past few days and weeks sobrang naging okay ulit sila, sa totoo lang, at para bang muling nanumbalik ang Louisa’ng mula pa man noon ay siyang tanging babaeng minahal niya. Ngunit sa nakaraang pagbisita ng kanyang mga magulang sa kanyang opisina, and reminded him who Louisa truly

