TWENTY-TWO: "Bumping with such a cute stranger." “LOUISA, don’t do this please…” Labis na nalulungkot si Louisa sa malamlam at tila durog na tinig sa boses ni Haris. “Haris, kasi tama naman si Maui, eh. Tama naman ‘yung sinabi ng kapatid ko. Like, paano mo namang maaatim na kausapin pa’t sama-samahan ang taong pumatay sa nag-iisang kapatid mo, hindi ba? Ako ang pumatay sa kapatid mo, Haris, kaya tama lang na lumayo na dapat tayo sa isa’t-isa. Alam ko namang galit ka sa akin, eh, at kahit kailan hindi na mawawala pa ‘yang galit mong ‘yan kasi nga hindi ko naman na maibabalik pa si Nikki sa mundo, ‘di ba?” Mabigat na mabigat ang kanyang dibdib habang sinasabi ang mga ‘yon, habang inaako na naman ang kasalanang kahit kailan ay hindi naman niya ginawa pero iyon na ang nais niyang paniwalaan

