Hindi na nag-abala pa si Haris na mag-angat ng tingin kina Louisa at Anton bagkus ay patuloy na lamang sa pagkain saka nagkibit-balikat. Kahit ang ngumiti man lang ay tila hindi na rin magawa ng binata, para bang nasira na ang buong araw nito at wala na sa mood. "It's a private thing. Better don't ask about it, Mr. Montano. Ayoko na lang sanang pag-usapan." "But why?" tawa ni Anton. "Magkuwento ka din naman paminsan-minsan, Mr. Legazpi! Curious din kami ng girlfriend ko tungkol sa buhay pag-ibig mo! Para ka namang others niyan, eh! We're business partners here, friends, kaya hindi ka na dapat na nahihiyang magkuwento." Tumigil si Haris sa pagkain at umigting ang panga nito, halatang napipikon na. "Tama ka. We're business partners here, kaya nga dapat tungkol sa negosyo lang ang focus

