Hindi inaasahan ni Louisa na isang araw habang namamasyal siya sa isang botique na kanyang pinasukan at tumingin-tingin sa mga damit na binibenta ay may makakasalubong siyang kakilala at kaibigan… “Louisa?” Napatingin siya sa may-ari ng boses at nakitang natuwa ito nang mapagtantong hindi ito nagkamali sa pagtawag sa kanya. Natuwa din siya. “Nerisse, ikaw pala,” magaan at palakaibigan na aniya. Tumangu-tango ito at lumapit sa kanya. “Sabi ko na nga ba, unang kita ko pa lang sa ‘yo alam ko na kaagad na ikaw ‘yan. Medyo nagdalawang-isip lang ako no’ng una kung tatawagin kita kasi naisip ko din na baka hindi ikaw at kamukha mo lang,” natatawang kuwento nito. “Buti na lang at tinawag mo ako. Ano nga palang ginagawa mo rito? At kasama mo ba si Eliezer?” tanong niya sabay tingin sa likura

