Sa nangyari ay may isang bagay na biglang napagtanto si Louisa kaya pagkauwi niya'y hinintay niyang makauwi din si Maui para kausapin ito. "Anong sasabihin mo sa akin, ate?" anito nang tawagin saglit niya sa kanyang kuwarto nang pagkarating pa lamang nito at sinalubong niya ito para sabihing nais niyang magkausap sila. Nasa mukha nito ang pinaghalong pagka-tensed and at the same time ay apurado kasi nga kararating pa lamang nito. "Mag-usap tayo, Mau," marahan at excited na aniya. "Nag-uusap na tayo, ate. Ano ba 'yon at tungkol saan?" "Kay Gabriel, Mau." Maui rolled her eyes in full annoyance. "Here we go again! Sabi ko na nga ba!" "But it's not what you think, Maui," agarang bawi niya para pahupain ang nagbabaga na namang pag-init ng ulo nito. "What do you mean it's not what I thin

