Napatingin si Haris sa pinto nang marinig ang pagkatok mula sa taong nasa labas. “Come in,” walang amor na aniya. Hilut-hilot pa rin niya ang noo at panay pikit at dilat ng mata. Bahagyang sumasakit ng ulo niya. Siguro’y epekto ng alak o stress and frustration. “Sir Haris, okay ka lang?” Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita. It’s no other than his new secretary since three months ago. “What are you doing here, Kim?” he asked back, instead. Nang-aakit na nagkibit-balikat ito. Kahit secretary ay taas-noo ito sa kanya. “I just want to check on you.” “Thanks, but you don’t have, too. Anyway, I’m fine. Makakalabas ka na.” “You’re fine? Parang hindi naman…” Nanunukso ang tinig nito. Unti-unti ay naglakad ito papalapit sa kanya. Nayuko na lamang niya ang ulo at iiling-iling. Lalong su

