Hinawakan si Louisa ng kapatid sa kanyang braso na ikinatingin niya rito. "Anong ginagawa nila dito, ate? Tatanungin na rin ba nila ako tungkol sa nangyari nang gabing 'yon? At pagkatapos ay ano? Kapag napatunayang ako nga ang may gawa ng pagkakahagip kay Nikki, makukulong na rin ako kagaya mo, ate Louisa?" sunud-sunod na parang wala na sa sariling tanong nito. Alig*ga, hindi mapakali. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa braso niya. "Mau, hindi. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Hindi mo sasapitin ang sinapit ko at mas lalong hindi ako makapapayag na makulong ka." "A-ano nang gagawin natin, ate? Ano kaya kung pumunta na lang tayo ng ibang bansa? Magpakalayu-layo, magtago!" desperado pang patuloy nito. She nodded. "We're definitely going to do that." Niyakap ulit niya ang kapatid at

