TWENTY: "Nagwawala." Marahas na nagbuntong si Haris sa mga sinabi ni Maui. "Maui, tama na please!" si Louisa ulit sa malumanay pa ring tinig. "Hindi ba't mahal na mahal mo ang kapatid mo? Oh, don't tell me mas mahal mo na ngayon ang ate Louisa kaysa kay Nikki! Paniguradong magagalit si Nikki niyan mula sa taas ngayon!" At tumawa itong parang demonya. Nuon na tuluyang kumawala ang matinding emosyon ng galit na pinipigil lamang ni Louisa mula pa kanina! Tila tuluyang naubos ang kanyang pasensya at pagtitimpi, at ang resulta pa nga'y sa unang pagkakataon ay napagbuhatan niya ng kamay si Maui. Nasampal niya ito. "Sinabing tumigil ka na, Maui!" Nagtaas na rin siya ng boses. Sumosobra na rin kasi talaga ito, eh! Kung siya lang naman ang pinagsasalitaan nito, makakaya at mapapalampas pa niy

