Hurt and shattered, he asked her, “Bakit, Louisa? Anong gagawin mo oras na nalaman ko ang totoo? Anong gagawin mo sa sandaling matukoy ko kung sino ba talaga ang totoong may gawa ng krimen sa kapatid ko eight years ago? Aakuin mo na naman ba’t pagtatakpan ang tunay na may sala? Hanggang sa huli poprotektahan mo pa rin ba ang taong ‘yon? Bakit, hindi pa ba sapat na minsan mo akong sinaktan noon at pinaniwala ng ilang taon sa kasinungalingan mong ikaw ang humagip kay Nikki gayong hindi naman pala totoo ‘yon? Ano, Louisa? Isasakripisyo mo na naman ba ako? Ang pagmamahal mo para sa akin at ang pagmamahal ko para sa ‘yo? Igi-give up mo na naman ba ako para lang patuloy na maitago ang katotohanan mula sa akin?” Nagtuluy-tuloy sa paglandas ang kanyang mga luha. Kung papipiliin kasi siya’y alam n

