Tiningnan si Haris ng kaibigan at saka umiling ito. "Wala talaga, Haris." He grinned as he decided to lighten up the atmosphere. "Baka naman tinatamaan ka na sa kanya, ah!" "Hindi! Imposible 'yon, Haris!" agarang defensive na salag nito. Nananatiling seryoso at tensed, 'ni hindi halos nakuhang nagbibiro lang naman siya upang asarin ito. "Alam mo namang wala akong ibang seryoso at totoong nagustuhan kundi si Claire lang." Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Haris ang sunud-sunod na paglunok ni Gabriel ng sariling laway na para bang nais nitong kainin ang mga salitang lumabas sa bibig. He then slightly raised his hands as a sign of giving up. "Alright. I know that. Parang binibiro ka lang, eh. Chill!" Pilit ang ngisi nito tapos ay diniretsong lagok ang laman ng hawak na bote ng alak. K

