Isang buwan ang nakalipas at nagtagumpay sina Haris sa pagkokolekta ng mga impormasyon kahit sa pinakatatago at pinakainiingat-ingatang mga datos na magpapatunay ng involvement ni Anton sa drug business. Tinuloy niya ang nasimulan at kahit na harap-harapan siyang sinabihan ni Louisa na tigilan na'y hindi niya tinigilan at bagkus ay naghalungkat at buong determinasyon pa ngang inalam ang mga katotohanan. His Information Technology team was able to hack the system na pinatatakbo ni Anton at ng illegal nitong negosyo without the latter knowing about it. Kali-kaliwang transactions in and outside the country, bank details, date and time ng bilihan at palitan ng mga kalakaran at kung anu-ano pa. These are already enough evidence na magtuturo at magdidiin sa kaswapangan ni Anton sa pera. Hind

