"Hey, Louisa dear, wake up now. Nandito na tayo." Nagising si Louisa mula sa pagkakaidlip sa marahang pagpukaw sa kanya nang fiancé na si Anton nang makalapag ang eroplano sa Pilipinas. Kinusot niya ang kanyang mga mata at tumingin sa bintana. Nandito na nga sila sa bansa. Nag-u-unload na rin ng passengers. Nang makababa ang mga nasa unahan nila'y sumunod na rin sila. "Louisa anak!" tawag sa kanya ng ina nang mamataan siya at hinintay sila dito sa waiting area. "Ma!" natutuwa ring aniya sabay sinalubong ng mahigpit na yakap ang ina. "Kamusta ang naging biyahe pauwi, anak? Namiss kita, ah!" anito nang kumalas sila at hinaplos ang kanyang pisngi. "I missed you too, ma! Ayos naman po. Nakatulog ako sa biyahe." Binalingan nito si Anton na nasa likod niya. Anton smiled. "Ma!" And widen

