111- "Arrived just on time!"

1600 Words

Mukha ni Anton ang tumambad sa kanya at ang nakakapanindig-balahibong mga ngisi sa labi nito! "Nandito ka lang pala, my dear! Kanina pa kita hinahanap, eh!" Umiiyak na umiling-iling siya. "Anton, huwag. Maawa ka sa akin." Humalakhak ito ng pagkalakas-lakas. "ANTON, HUWAG! Maawa ka!" "Louisa, wake up! Nananaginip ka!" Humihingal na napabangon si Louisa at kahit na air-conditioned ang kuwarto ay naliligo siya sa kanyang pawis. Nag-angat siya ng tingin sa kasama at halos makahinga nang maluwag nang makitang si Haris ang nasa harapan niya't hindi si Anton na nagtangka siyang gawan ng masama. Nakaramdam din siya nang safety ngayong hawak-hawak nito ang kanyang mga kamay. "Binabangungot ka na naman ba?" nag-aalala at masuyong tanong nito. Bagsak ang luhang tumangu-tango siya. "Hssh…"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD