MAUI hurriedly ran outside her bathroom nang marinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone mula sa bedside table, indikasyong may tumatawag sa kanya. Hindi pa siya gaanong natatapos maligo ngunit dinalian niya’t nagsuot kaagad ng roba at tuwalya nama’y ipinalibot sa basa niyang buhok para lamang talaga hindi niya ma-miss ang tawag ni Gabriel. Of course, she was expecting it was from her dear suitorㅡGabriel himself. “Hello, Gab!” masigla pang aniya pagkasagot na pagkasagot ng tawag. Ilang sandali ang lumipas ay hindi nagsalita si Gabriel mula sa kabilang linya at tila napakatahimik ng atmospera mula roon. “Gabriel? Hello?” Kumunot na ang kanyang noo nang lumipas pa ang isang minuto at hindi naman ito nagsasalita. Medyo nainip na tuloy siya. “Hello!” Ganoon na lang din ang kanyang pa

