Hindi pa rin kami naging maayos ni Haris. 'Ni nagkakausap man lang ay wala rin, hindi ko na rin muna siya pinapansin. His texts, calls, chats. Kahit na mahirap, pinilit kong tikisin siya. Well, at least, not one day na hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-reply sa isa sa maraming text messages niya ng panunuyo sa akin na mag-ayos na kami, magkausap nang matino at bumalik sa dating masigla at masayang kami. I did it not to give him what he was asking kaya ako nag-reply. My reason was to ask for more space than I needed, which both of us might actually necessitate. Ang sabi ko sa kanya, huwag na muna siyang mag-text at panay tawag dahil hindi rin naman ako mag-re-respond and I just responded that time para sabihin sa kanyang huwag na muna niyang guluhin ang utak at puso ko pati na ri

