"Hindi, wala. Klarong-klaro naman na, inamin na ni Louisa noon na siya ang may gawa--" "Naniniwala ka talagang si Louisa at kaya niyang gawin ang bagay na 'yon, Mindy?" Umiwas ang kausap ni Haris, naging mailap at tila hindi makasagot. He knew it. Alam niyang kung may nakakakilala din kay Louisa tulad ng pagkakakilala niya sa dalaga, walang iba kundi si Mindy iyon. "Alam ko na rin, Minds, na no'ng gabing 'yon ay magkasama talaga kayo ni Louisa sa isang bar dahil nagce-celebrate kayo ng sana ay happy new chapter of life niya nang mga panahong 'yon, 'di ba? Kasi bago kayo nagkita at nang araw din na iyon ay nag-propose ako sa kanya. You were both in a bar, kaya paanong nandoroon siya't nasa crime scene, eh, magkasama nga kayo no'ng mga eksaktong sandaling 'yon na may nangyaring masama sa

