SA WAKAS ang pinakahihintay na araw at pinananabikang mangyari nina Louisa at Haris ay natuloy na. Just like Louisa's dream, simpleng civil wedding sa Huwes ang ginanap at tanging malalapit sa mga buhay nila ang naroroon. Ang mama ni Louisa, ang mga magulang ni Haris, at si Mindy na best friend ng bride. Walang pagsidlan ang kaligayahan sa dalawa nang mga sandaling nakaharap sila sa Judge na magkakasal sa kanila at binabasa nito ang akda ng pag-iisang dibdib nila. "Welcome, everyone. We are gathered here today to join Haris and Louisa in the union of their hearts to be as one." "Louisa, I promise to love you always, to honor and respect you, in sickness and in health, in poverty and in wealth, and to be true to you at all times until death do us part." "My Haris, the love of my life,

