Sa kabilang dako naman sa panig ni Louisa, nang makarating sa kanyang opisina ay agaran niyang tinawagan si Haris. "Hello, Haris." "Louisa, hi!" masigla pa ngang bungad nito sa kanya mula sa kabilang linya. "Haris, may problema…" aniya. "Anong problema?" Tunog nag-aalala na rin tuloy ito. "Sina Eliezer at Anton, nagkakilala na sila." "Tapos?" "Anong tapos? Halos mabuko tayo, Haris! Hindi ba't ang pagkakaalam ni Eliezer, sa 'yo ako committed? Eh, binanggit ka niya kanina. Nagtaka nga si Anton, eh, kaya nagpalusot na lang akong common friends kasi natin si Eliezer at marunong ka umanong magmekaniko ng sasakyan." "Magmekaniko? Bakit? Oo, marunong naman ako nu'n. Pero, teka, ano ba kasi talagang nangyari? Naguguluhan ako, eh." Para maging mas malinaw, deta-detalyeng kinuwento ni Louis

