"Let's all say, Thank you, Miss Scarlet!" "Thank you, Miss Scarlet!" sigaw ng mga bata at kanilang mga magulang. Nandito kami ngayon sa Tondo upang magbigay tulong. Sa sobrang busy ko noong nakaraan ay halos hindi ko na naasikaso ang preparasyon para rito. Close ngayon ang boutique kaya naman katuwang ko ang mga staffs ko na pinangungunahan nina ate Mely, Ate Dona, at Amie na kanina pa wala sa mood. Kasama din niya si Drix pero kung makaasta sila sa isa't-isa akala mo hindi sila umuuwi sa iisang bahay. "LQ?" tanong ko kay Amie. Umiling siya at pinilit mangiti. Pagkatapos ay bumuntong hininga. "Napakaseloso," aniya. Natawa naman ako. "Kumusta naman kaya ang asawa ko na kulang na lang pagtabihin namin ang kompanya na inaasikaso namin," sabi ko. "Iyon nga eh. Gusto na niya akon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


