"I brought you lunch," aniya. Dinala ni Drix ang dala niya sa mini dining na nandito sa opisina. Tumayo na din ako at sumunod sa kaniya. Inayos niya ang mga pagkain na dala niya, may tatak ito ng paborito kong restaurant. Mukhang tinandaan niya ang mga sinabi ko na paborito ko. "Thank you. Sakto na nagugutom na din ako," wika ko. Hinawakan ko na ang spoon and fork at sinimulan ng kumain. Nakatingin lang siya sa akin kaya naman na-concious ako bigla. Naalala ko din ang halik kagabi. "Drix, about last night. I'm sorry," wika ko. Ngumiti siya at umiling. "It's okay, you're really drunk last night," aniya. "Kaya ako pumunta ngayon kasi hindi ako puwede mamayang gabi." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya pero naalala ko na may dinner pala kami mamaya. "Tss. Mukhang kina

