Naging maayos ang meeting at tulad ng inaasahan ko ay nakuha namin ang deal. Kaya naman pagkatapos ng lunch ay bibisitahin namin ang planta ng mga Akihiro, sa kanila manggagaling ang product na i-export, kami naman ang shipping at ang Reed ang bibili ng mga i-export na product. Hindi na sumama si Mr. Reed at kaniyang sekretarya. Ang anak na lang niya na si Alicia ang pinasama niya. May meeting din daw kasi siya na pupuntahan pa. Hinintay muna namin na makaalis ang sasakyan ni Mr. Reed bago namin napagdesisyunan na tumungo na din sa planta nina Aki na nasa Laguna. "Let's go," aya sa akin ni Aki. Naglakad na din ako sunod sa kanila ni Alicia papunta sa naka-park niyang Audi. Binuksan ni Aki ang passenger seat, tumingin siya sa akin. Walang nagawa si Aki ng mabilis na sumakay doon

