Chapter 42 Her POV Nagising na Lang Ako Sa sinag ng Araw na pumapasok dito Sa kwarto. Hindi ko Alam Kung anong oras na Ako nakatulog kagabi. Bumangon na ko at pansin kong Wala na nga si Marco at naka ayos na Sa May upuan ung kumot at unan na ginamit Nya kagabi. Pumasok Ako Sa banyo para maghilamos tapos lumabas na ko ng kwarto. Paglabas ko pa Lang naamoy ko na agad ung niluluto Sa kusina at kumalam na ang akong tyan. "Magandang umaga ija buti gising ka na!" Bungad na bati sakin ni manang Ceny pag Pasok ko Sa kusina. "Magandang umaga din po!" Nakangiting Sabi ko "Maupo ka na dyan at malapit nang matapos tong niluluto ko!" Sabi ni manang Umupo Ako Sa May lamesa don Hindi ko maiwasan na hanapin si Marco "Manang si Marco po?" Tanong ko Kay manang "Kasama ni Erwin asa palengke