Nagising si Paisley nang may maulinigang mga boses pero hindi niya masiyadong maintindihan kung ano ang sinasabi ng mga ito. Nanatili siyang nakapikit upang pakinggan ang tao sa paligid at kilalanin ang boses ng mga ito habang nag-uusap. Wala na ang sakit ng ulo niya at maayos na rin ang pakiramdam niya. "We need to deactivate the bomb before we do the operation, Hervey. We just managed to hacked the system to stop that f*cking RDS for activating the bomb in Paisley's brain. Pero sa tuwing makahanap sila ng pagkakataon ay paulit-ulit nilang papasukin ang system niya upang tuluyang mai-activate ang bomba. And that’s what we need to stop. Ang ma-activate nila ng tuluyan ang bomba. Or else..." Malinaw na ngayon sa dalaga ang boses ni Rick na kausap si Hervey dahil sa pagsambit nito sa pang