*** Ilang segundo ring nanatiling nakapikit ang mga mata ni Paisley habang hinihintay ang mangyayari sa kanya. Sa loob ng segundong iyon ay walang tigil ang malakas na pagkabog ng dibdib niya dala ng takot, pangamba at lungkot. Pero hindi siya nagpakita ng kahinaan. Buong tapang niyang inihanda ang sarili sa kung anuman ang mangyayari sa kanya. Pero sampung segundo na ang nakalipas ay wala pa rin siyang pagbabagong nararamdaman sa sarili. Nagririgudon na sa kaba ang puso ni Paisley habang naghihintay sa pagsabog ng bomba. Nang wala pa ring nangyayari ay iminulat niya ang mga mata. Mabilis niyang nilingon si Hervey na parang estatwang nakatayo sa kanyang tabi. Nakatiim ang bagang nito at madilim ang mukha habang matalim na nakatitig kay Connor. Kitang-kita ni Paisley sa mukha nito ang