PUMALAKPAK si Madison kasama ang kanyang kaibigan nang makita na diyes ang nakuhang puntos ni Wyatt sa unang nitong tira. Sumunod ang kalaban na galing sa ibang bansa at nakakuha lamang ng nueve. Muling tumira si Wyatt at nakakuha ng diyes para mapahiyaw ang mga taong sumusuporta kay Wyatt. “Another ten points and the Philippines will have the gold...” pagbibigay-alam ni Zacharias na nasa kanyang tabi. Tumango-tango si Madison at maiging pinanood ang kalaban na pumuntos sa malaking screen. It was also a ten point which advances Wyatt by only one point. Kung makakakuha ng nueve si Wyatt ay maaring makapagtali ang puntos sa kalaban kung makakuha ang kalaban ng diyes. She saw how Wyatt sighted the target before picking another arrow. Iniligay nito ang pana sa arrow head at hinila ang tali h

