“ANO NA? Anong hinihintay mo? Pasko?” tanong ni Shania para mapabuga nang marahas na hangin si Madison.
Sumipat siya kay Wyatt na ngayon ay nakikipag-usap sa kanyang pinsan na si Alejandro bago napailing-iling. “I can’t... I change my mind.”
“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Mika at bakas sa mukha nito ang pagtutol. “Andito ka na kaya gawin mo na ang plano mo.”
Muling napailing-iling si Madison.
“Nako, kung nandito lang si Jakovo ay malamang kinotongan ka na no’n,” wika ni Shania at hinawakan ang kanyang kamay. “You looked gorgeous. You looked fuckable. Hindi ako naniniwala na walang epekto ang ganda mo kay Wyatt. I saw how he looked at you at the airport. This is your chance.”
Nang pumalatak si Heather ay napatingin siya dito.
“Don’t look at me,” ani Heather at bahagya na umiling. “I’m not in favor of you seducing your best friend because I wouldn't do such stupid thing if I were you.”
“That’s the whole point,” pagsalungat ni Shania at dinuro si Heather sa balikat. “Madison is not you, so she’s going to do it! Aren’t you, Madi?”
Napatingin lamang siya sa apat at napakuyakoy ang kanyang paa sa niyerbiyos. “I can’t. I don’t know... I don’t know how... to kiss.”
Natigilan ang tatlo at si Shania ang unang nakahuma sa pagngisi sa kanya. “Who said you’re going to kiss him now?”
“Am I not?” walang muwang na tanong ni Madison sabay salat sa dibdib. “I thought I’m going to seduce him then that means I’m going to kiss him and then have s*x with him after. I’m pretty sure that would make him into me, too.”
Naikiling ni Shania ang ulo. “I like that you think advanced, but... since you are so afraid to do it. Why not use gestures? Lead him on. Use your hands. Your tongue.”
“What?” tanong ni Madison at pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay matapos uminom mula sa bunganga ng bote ng Agiane.
Sa mga sinabi niyon ni Shania ay para bang bumilis ang t***k ng puso niya animo ay daig pa ang mga kabayo na nagkakarera sa sukdulan. Her heart almost leap into her chest. Kinakabahan siya ng mga gusto ng mga itong mangyari ngunit mas katiting din sa kanyang pagkatao na gustong gawin ang inuudyok ng mga ito.
Hindi basain ang kanyang kamay, tiyak niya, ngunit ngayon abot-kamay niya na si Wyatt ay para bang may tinunaw na ng mga yelo ang kanyang kamay. She was having a cold sweat already and her stomach is churning out of premonition. Mas ninerbiyos siya sa presensya ng binata kaysa sa pagpapaanak ng quadruplets sa clinic noong mga nakaraan.
“At tanggalin mo kaya iyang coat mo,” suhestiyon ni Shania at nang-aasar na sumipat kay Heather. “Huwag ka gumaya dito kay Heather na daig pa si ang lola ko manamit sa sobrang konserbatibo. Lagi na lang nagpi-feeling James Bond.”
“Anong James Bond? Galing ako sa trabaho kaya naka-suit ako,” sagot ni Heather at tumungga ng alak.
“Huwag mo akong lokohin. Kahit na hindi ka galing sa trabaho, ganyan talaga mga sinusuot mo kapag may lakad tayo,” pagbibigay-alam ni Shania para kumalma na ang kanyang kalooban kahit papaano. “Kaya ka laging pinagkakamalang bodyguard namin.”
“Oh, ano ngayon? Apparently, body guard niyo naman talaga ako. Ang titigas kasi ng ulo ninyo,” mariing wika ni Heather at tiningnan ang mga ito nang masama.
“Say the woman who is younger than us by three years,” pang-aasar ni Mika at napangisi. “Sa higpit mo ay parang ikaw pa itong mas matanda sa amin.”
“Someone has to stay strict or else you three would have been in a dump by now,” ganting-biro ni Heather para mapatirik na lamang ang mga mata ng tatlo.
“Ang saya niyo siguro kapag magkakasama, ano?” tanong ni Madison para magsilingunan ang apat sa gawi niya. “Magkakaibigan kayo tapos mga asawa ninyo magkakaibigan din.”
“Well, it’s fun. But not when Isaac almost died last year,” pagbibigay-alam ni Shania at malungkot na umismid. “Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko mamatay din ako.”
“I agree. It's fun for me too, but not when Kyron tries to hang himself last last year,” Mika said, frowning. “Buti na lang andiyan iyong mga kaibigan niya. Malaki talaga ang pasalamat ko sa kanila, lalong-lalo na kay Isaac.”
“My husband gets all the hate from the group when they knew Alejandro didn't make it to my labor day, you know that... we all know that since we planned it,” wika ni Alexandria at ngumiti. “Nakakatuwa lang isipin na kahit mukha silang mga gago, may pakikisama sila. Kung mahal na mahal nila ang isa't isa, mas sobra pa iyong binigay nilang pag-aalaga sa ating mga asawa.”
“We are telling you this not because it’s fun, just like everyone thought it would and they're not wrong since it is. But being with them, we go through hardships, too,” dugtong ni Mika at hinawakan ang kanyang kamay. “Hindi naman sila nakuha nang madali. So, if you are aiming the same. Go get your man in your own way. Iba-iba kami ng ginawa. Alexandria just wants a child. I build a ruse with Kyron. Shania made a steamy quest. And you... what are you going to do, Madi?”
Napatingin siya sa tatlo at tumango-tango dito. “I will—”
“Madison’s not going to do something so back off,” pagputol sa kanya ni Heather para mapaungol ang mga kaibigan nito. “Huwag kayong sulsol. They fell in love with jerks and please save yourself, don’t be like them. Huwag kang marupok.”
Ngumiwi si Madison at lumabi kay Heather. “Too bad. I already did.”
“See?” nanunukat na tanong ni Shania at tinaas-baba pa ang mga kilay. “You can force a woman to do something they don't want to do... unless that woman isn't into that for almost six years now. It’s Madison. Madison means taking a risk.”
“Since when did the Madison name means taking risk?” tanong ni Heather at pinaikot ang mga mata sa sobrang iritasyon.
“Since when the Heather name means incapable of taking risks...” pang-aasar ni Shania at nginisihan ito. “Apparently, Madison has what it takes. And you... you will get old on a wheelchair with you pushing yourself.”
“Ha! That is exactly what I want in my life,” palahaw na tugon ni Heather at pinanlakihan ng mga mata sa Shania.
“Then great!” sarkastikong pagsang-ayon ni Shania.
“Absolutely!” mariing segunda ni Heather
“Fantastic!” singhal ni Shania para awatin na nito nina Alexandria.
“Stop it, you two...” pagsita ni Alexandria at tumingin sa kanya. “Masanay ka na sa dalawang iyan. Lagi talaga silang nagtatalo.”
Sabay na napahalukipkip ang dalawa at nag-iwas ng tingin.
“Mukhang kasalanan ko pa na nagkalitan ang dalawa,” wika ni Madison at napakamot sa batok.
“No, it’s not. Do't say that. Walang may kasalanan. Magbabati rin iyang dalawang ‘yan mayamaya,” natatawang sambit ni Mika. “As for your plan. Let’s do it. Are you ready?”
Napatingin si Madison sa papalapit na si Wyatt habang dala ang panibagong bucket na Agiane at imbes na mapatango ay napailing-iling siya bilang sagot kay Mika.
“Oh, god... I can’t do it,” wika niya at dali-daling tumayo upang pumunta sa banyo.
Sa kakadali niya na makapunta sa banyo ay nabangga niya ang ang mga taong humaharang sa daanan dahilan para matapon ang isang cherry vodka sa kanyang dibdib bago siya nakapasok sa banyo at isinarado ang sarili sa kubiko. Tiningnan niya ang katawan bago napabuntong-hininga. Her dress ruined and her hair is wet. How can she be able to seduce Wyatt on this state?
Mula sa kanyang coat ay inilabas niya ang cell phone at agad na tinawagan si Jakovo. It took Jakovo to answer the call after three rings.
“Please, sabihin mo sa akin na tumatawag ka ngayon para sabihin na nakuha na sa wakas ni Wyatt ang pinakaiingatan mong puri?” bungad nito sa kabilang linya para mapalabi na lamang si Madison.
“I didn't...” napilitang sagot ni Madison at napabuntong-hininga. “I spiled some cherry vodka in my dress and I look like basang-sisiw.”
“Oh my god...” palahaw ni Jakovo sa kabilang linya at narinig niya ang pagpalatak nito. “Do you need help? I can bring you a dress if you want.”
“You will do that?” gulat na tanong ni Madison. “Aren’t you busy?”
“I’m not,” sagot nito sa matigas na accent. “Text me the address, I will be there in ten to fifteen minutes.”
“Thank God!” palahaw ni Madison at muling tiningnan ang damit. “You’re a life-saver!”
“Oh, honey. That is my purpose in life...” wika ni Jakovo sabay pinatay na ang tawag.
Dali-dali niyang pinadala ang kinaroroonan at nag-isip. If she’s going to seduce Wyatt? What would she do? Hindi naman iyon kasing dali nang pagpapa-anak na kayang-kaya niyang gawin ng dire-diretso sa isang araw. At kilala siya ni Wyatt, malalaman na malalaman nito ang kanyang tudla kapag kumilos siya ng kakaiba. Kung gagawin niya ang pang-aakit dito ay iyong hindi mahahalata ni Wyatt. Once he knew that she’s seducing him, she will be damn. Malaki ang posibilidad na kasuklaman siya nito. Wyatt made sure before than they should slways stay friends no matter what. And she's so stupid for agreeing even though she knew she wants more than that.
Kagaya ng labing-limang minuto na pangako ni Jakovo ay dumating itong dala ang isang sexy satin dress. Imbes na matuwa siya sa dinala nitong dadamitin ay ganoon na lamang ang kanyang pagkadismaya.
“Jakovo, you don't want me wearing that, do you?” tanong ni Madison at nag-aalalang napasabunot sa buhok bago sinarado ang buong banyo.
“Of course, I want to. That’s why I brought this for you because I want you to wear it,” sagot ni Jakovo at inilahad ang dress na kanyang nilayuan.
“That dress screams Have-s*x-with-me the same as the make-up style you put in my freaking face!” mariing ani Madison at pinakatitigan ang kanyang mukha. “This isn’t me...”
“That is what Wyatt doesn't like to hook up. The old you...” giit ni Jakovo para mapatingin siya dito. “If you want to capture his heart, you need to make a new you. A new you that Wyatt hasn’t seen.”
“No! This nonsense has to stop,” desididong pagtutol ni Madison. “I rather go out with this damp dress than wear that sexy dress you brought me. It's too revealing...”
ABALA si Wyatt sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan nang manaas ang mga leeg nina Kayden. Nagtataka na sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito at ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang lumabas si Madison sa banyo na suot ang bagong damit na halos makita na ang kaluluwa nito.
“I never thought that Madison has boobs...” wika ni Kayden para mabilis na masuntok ito ng Zacharias sa balikat.
“Say that again and you will kiss this earth goodbye,” banta ni Zacharias at ibinalik ang mga mata sa dalaga.
Sa lahat ng napatitig kay Madison habang ito ay naglalakad patungo sa kanila ay sila lamang ni Zacharias ang hindi nagbawi ng tingin. If Madison look beautiful in her butterfly dress, the satin dress she is wearing now gives more emphasize on her body. And Kayden's right when she complimented Madison. She has it including the apple hips and the sexy bump on her bottom. Habang naglalakad ito ay kitang-kita niya kung paano maggalawan ang straps na dumdugtong sa saya nito. Hindi lamang ang dibdib nito ang hayag sa napakahalina sa damit na iyon kundi ang balat nito na tila ba kay puti ng gatas.
When Madison smiled at him before passing by and then seated with the other girls, his heart reacted together with his member that seems to be doing just fine not until Madison’s changed-up dress.
Napasunod na napatitig siya dito at hindi na pinansin ang mga nang-aasar na pagngisi ng kanyang mga kaibigan.
“Still not going to like my cousin?” tanong ni Alejandro para mapatingin siya dito.
Wala siyang naitugon sa kaibigan dahil pati siya ay naitanong iyon sa kanyang sarili. Won't he? Now that Madison looks so luscious, can he be able to maintain the friendship just like wha he wants six year ago?
Hindi niya na rin alam.