Third's ... "Mahal mo pa ba si Chard?" out of the blue na tanong ni Geon. Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ni Princess sa tanong sa kaniya ng husband niya. "Anong klaseng tanong 'yan, babe? Akala ko ba okay na tayo? Bakit naitanong mo na naman 'yan?" naguguluhan na tanong niya. "Answer me, babe, once and for all," nabanggit ni Geon na mukhang hindi nagbibiro or what. Huminga muna si Princess bago siya sumagot at sinabi with all honesty, "I honestly don't know. Mahal ko kayong dalawa." Geon shook his head disagreeing sa wifey niya. "No, you cannot love two guys. You have to choose now," malumanay na sambit niya pero deep inside him ay nasasaktan siya. "Choose? Pero ayaw ko mamili between you and him." "You gotta choose, babe. Or are you telling me now na mas mahal mo siya dahi