Pagkatapos magkwento ni Rachel ay tumabi sa kaniya si Geon at tinapik ang likod nito para pakalmahin ito habang pareho sila na nakaabang sa mga ginagawa ng healthcare providers sa anak nitong babae. "How is she now?" tanong ng isang doctor sa nurse matapos maglagay ng gamot sa IV na nakaturok sa kaliwang kamay ng batang babae. "Stable na po, Dr.," sagot ng babaeng nurse na nakatingin sa monitor sa gilid. "Okay. Nasaan ang magulang ng bata?" tanong ng Dr. at lumingon para hanapin ang magulang ng bata. Kaagad naman tumayo si Rachel at lumapit sa kama kung nasaan nakahiga ang anak niya habang si Geon ay sumunod at tumayo lang sa gilid nito para makabalita kung anong nangyari. "Kamusta na po siya, Dr.? Okay na po ba siya? Sana okay na siya," umiiyak na tanong ni Rachel dahil para sa kani