Do you know the feeling when you suddenly miss some thing or someone? Iyong pakiramdam na para bang may hinahanap ka pero hindi mo naman alam kung ano. Kahit anong hagilap mo sa utak ay hindi mo makuha pero ramdam mo ang puso mo na nagsusumigaw sa isang emosyon na hindi mo maintindihan. Hindi ko alam kung gaano katagal akong napatulala sa asul na mga matang iyon at ganoon din ito sa akin. Pakiramdam ko ay nakita ko na ito pero hindi ko maalala kung saan. Everything happened so fast that I just found myself inside a warm embrace, as I heard the loud gasps from the others at the same time. Nakita ko na lang ang sarili sa loob ng matitipunong bisig na naghahanap ng kalinga. Sa pagitan ng yakap na nagbibigay ng mainit ngunit nakalilitong pakiramdam. Kumakabog ng malakas ang aking puso na

