I think it is past midnight when I felt like I am craving for something. Kumukulo ang sikmura ko kahit na kumain naman kami ng hapunan kanina. Sa katunayan ang ‘yong paborito ko pa na pork sisig ang niluto ni Seb. Ito ang nakakainis kapag buntis, sa kalaliman pa talaga ng gabi umaatake ang paglilihi ko. Nagugutom na naman ako. “Love…” Tumingin ako sa boyfriend ko na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Naaawa ako sa kanya dahil alam kong puyat at pagod siya pero nagugutom talaga ako. May kung anong hinahanap ang aking bibig. “Baby…” I poke his cheek when he didn’t respond. Ang sarap ng tulog niya kaya nakokonsensya ako na gisingin siya. “Hmm…” Bahagya lang siyang gumalaw para yakapin ako nang mahigpit. Pagkatapos noon ay tulog na ulit siya. Napabuntong-hininga na lang ako. Itutul

