Chapter 49 3rd Person's POV; Hands on ang miyembro ng TK at Ikigai sa apat na anak nina Grim lalo na at sobrang hina pa ni Gaizer. 'Ganon din ang mga Vergara lalo na at hindi iyon kakayanin ni Grim mag-isa. Hindi alam ni Grim kung paano magpapasalamat sa mga kaibigan na todo alalay sa kanila ni Gaizer. Lalo na sa parents niya na halos araw-araw nasa hospital para bantayan si Gaizer habang nasa trabaho. "Vergara, mukha ka ng zombie. Matulog ka muna kaya," ani ni Aki habang buhat si Ceinan Graizer or CG for short. "Kami na muna bahala dito sa Quad mo," ani ni Rai. Dahil sa magkahalong pagod at antok sumunod na lang ang lalaki at walang salita na humiga sa sofa since natutulog ulit ang kasintahan. "Ikaw lagi na lang nakakunot ang noo mo. Ang dami mong pagmamanahan daddy Grim mo