Third Person's POV Pagdating ni Alexiz at Francis ay nadatnan nila sina Lia, Marion at mga tauhan ni Francis sa living room ng mansion. Sinalubong sila ni Ate Iza na sa kanila muna nakatira dahil bakasyon muna daw ang drama ng buhay nito. "Hi, Lex." Ngumiti lang si Alexiz. Tumingin si Ate Iza kay Francis. "Make sure magugustuhan niya 'yon, kuya, dahil kung hindi sasapakin kita." "Pray then." Alaiza just tsked at pinisil nito ang pisngi ni Alexiz bago ito pumunta sa tabi ni Vincent. "Why are you here?" Tanong ni Francis sa mga tauhan nito. Nagkatinginan ang mga tauhan ni Francis at nagkatinginan rin sina Marion at Lia. "Sa pagkakaalam ko ikaw ang nagpapunta sa amin dito, Mr. Vasquez." kunot ang noong sabi ni Lia. "Tama!" Sang-ayon ni Marion. "Tsk! Whatever ..." Sabi ni Francis