Alexiz's POV "Guys, let's play." Sabi ni Anthony na may hawak na bote. Nandito kami ngayon sa living room. Nauna ng umuwi si Lia at Marion dahil may gagawin pa daw. "Truth or dare?" Tanong ni Vincent habang nakatingin ito sa bote na hawak ni Anthony. "Nope, just dare." Napatingin ako kay Francis ng halikan nito ang tuktok ng ulo ko. He smiled. "Ang ganda mo." Bumilis ang t***k ng puso ko. "Alam ko." Sabi ko na lang. "Ang sexy mo." Bulong niyasa tenga ko. Namula ako at nag-iwas ng tingin. "Tumigil ka nga, Francis." He chuckled at inakbayan niya ako. "Ganito ang mechanics ng laro ..." Panimula ni Anthony. "Alam na namin 'yan, Anthony." Niel said. "Shut up, Niel!" Angil ni Anthony. "So ang sinumang matatapatan ng nguso ng bote ay gagawin niya ang ipapagawa ng nag-'spin' ng bot