Alexiz's POV Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko na naglalaro dito sa loob ng kwarto namin. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at pinagmasdan ko silang dalawa. Mahina akong natawa dahil sa hitsura ni Francis. Epic ... napatingin ako sa mga laruan na nasa sahig. Hindi ko talaga mapigilang tumawa ng malakas. Barbie kasi ang nilalaro ng dalawa. Napatingin sa akin ang dalawa. "Mommy!" Tumakbo papunta sa akin si Xandra, bunso naming anak ni Francis. Her name is Frances Alexandra but we prefer to call her Xandra. Umupo ako at sinalubong siya ng yakap. Pinanggigilan kong hinalikan ang kanyang pisngi. "Ang bigat mo, 'nak." "Big na po kasi ako ..." Tumawa ako at pinisil ang ilong nito. Lumapit sa akin si Francis at tinakpan nito ang mata ni Xandra. He gave me peck on my lips.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books