Kabanata 41 Ang bigat. Iyon ang nararamdaman ni Lacey sa mga sandaling iyon na nasa harap siya ng salamin, feeling yayamanin. She’s earning. Malakas ang kita ng salon niya, mahina ang fifteen thousand isang araw kaya kahit paano ay iba na ang buhay nila, kabit na nakatira sila sa dampa. May kumatok sa pintuan kaya naman tumingin siya roon. Ang Mama niya ang lumapit at nagbukas nun tapos ay tumingin sa kanya. “Anak, may bisita ka.” Sa repleksyon sa salamin siya tuningin at nakita niya ay sina Don Joseph at Donya Smile. “Pwede ba kaming pumasok?” tanong ni Smile. “Oo naman po,” aniya kahit na may sakit siya ng kalooban. “You’re so beautiful, Lacey,” aniyon habang nakatitig sa kanya Ang Papa niya ay hindi nagsasalita pero nakatingin sa kanya. “Salamat po Donya Smile."