Kabanata 24 Ngumiti si Lacey sa Mama niya nang matapos ito sa pagdutdot ng gamot sa pisngi niyang may galos. “Ayan, malinis na. Sa susunod anak, magpigil hangga’t kaya. Tandaan mo na hindi naman ibig sabihin na hindi ka umiimik ay duwag ka o totoo ang mga sinasabi nila sa iyo. Alam mo sa sarili mong walang totoo sa mga sinasabi nila at ikaw lang nakakaalam ng totoo sa sarili mo, at ang Diyos.” Lacey nodded, “Kaya lang Ma, sobra na. Kahit nga si Ma'am Gacos kampi sa kanila, ipinagtanggol lang ako ni Haze.” “Mabuti na lang nandun si Haze at tinulungan ka. Paano sina Valerie, nadamay din?” Tumango siya nang nakalabi kaya napabuntong hininga na lang ang Mama niya. “Syempre damay iyon kasi hindi ka naman pababayaan ng mga iyon. Daig niyo pa ang magkakapatid. Hindi ka naman pababayaa