Kabanata 30 God… Kanina pa iyak nang iyak si Lacey sa tabi ni Haze. Bumubuntong hininga na lamang siya para mawala ang tensyon. Nakonsensya rin siya pero ano naman magagawa niya? Natukso talaga siyang halikan ito dahil ang taray taray. “Hey,” aniya rito pero ang sama ng tingin na ipinukol nito sa kanya. “Wala ka na bang alam kung hindi hey? Hindi ka man lang mag-sorry.” His brows arched, “Why would I say sorry? I’m not sorry.” Nakita niyang napaawang ang labi nito tapos ay ibinaling ang mukha papakabila. “If I say sorry it means I regret it.” Hindi ito umimik pero kapagkuwan ay nagsalita. “Hindi naman ako kagaya sa iba. Kung sa’yo wala yun di mo naman ako dapat iparehas sa iba.” “I don’t look at you that way.” “E ano pala?” “Different.” Lumipad ang mga mata nito s