Calix Hoffman
Chapter 1
"Happy birthday Calix bro!"
"Thanks." Nakangising pasasalamat ni Calix sa mga pagbati ng mga kaibigan at pinsan niyang narito ngayon sa pribado at napakalaking kwarto ng Zacary's Bar. Pang-sikwentang tao siguro ang kakasya sa loob ng ViP room na iyon. Pang malakihang grupo.
"Dala-dalawa chix mo Calix. Huy. Mamigay ka naman" Biro sakanya ni Cody. Isa ito sa magugulo ngunit mga gwapo niyang pinsan
Nasa lahi na talaga nila ang pagiging gwapo at magaganda. Kilalang kilala ang kanilang angkan sa larangan ng pagnenegosyo at pagiging mga gwapo. Palibhasa mula sa kanilang kalo-lololohan ay talaga namang pinagpala sa pagiging magandang lalake.
"Siraulo" Hinalikan niya sa mga labi ang dalawang babaeng nasa gilid niya. Binigyan niya ng tig isang malalim na halik sa labi ang mga ito. Game na game naman ang mga itong tumugon sa halik niya kahit kaharap ng mga ito ang mga pinsan at kaibigan niya
"Sarap!" Naiiling na sambit nalang ni Cody. May asawa na ito kaya't hindi na ito pwedeng mang-babae.
Today is his 30th birthday. Wala siyang gustong gawin kundi icelebrate sana iyon sa isang hotel suite kasama ang dalawang babaeng nasa tabi niya. They will make love non-stop. Ngunit makukulit ang kanyang mga pinsan. Nais daw makipag-inuman ng mga ito sakanya bilang celebrasyon ng kanyang ika-tatlompung taon bilang isang babaero
Yeah. Binansagan siyang dakilang babaero. Aminado naman siyang babaero siya. Buwan buwan ay ibat-ibang babae ang nagiging nobya niya o mas magandang sabihin, -mga babaeng nakakalaro niya sa kama. His playmates.
Hindi siya nagseseryoso. The last time he tried to be serious about girls, Halos ikabaliw niya iyon. Na-inlove kasi siya ng husto sa isang babaeng manloloko when he was in high school. Si Danica. His First and last love. Ayaw na niyang mainlove muli. Katangahan para sakanya ang magmahal ng mga babae. It's just a waste of time. Simula ng ma-broken hearted siya sa kanyang first love ay hindi na siya muling nagseryoso. Pero nakamove on naman siya sa Danica na yun. Wala lang talaga siyang gana sa mga babae kung puso niya ang pag-uusapan. Saradong sarado ang puso niya para sa walang kwentang bagay.
"Party party!"
Napatingin si Calix nang pumasok sa loob ng kanilang kwarto ang kaibigan niyang si Samuel. May kasama itong tatlong babae na halos nakahubot-hubad na.
Napangisi agad siya.
Mukhang ito ang regalong sinasabi ni Samuel sakanya. Si Samuel ang dakilang classmate niya sa pagiging babaero. Mahilig rin ito sa mga sexy at nag-gagandahang babae
Agad niyang inalis ang pagkaka-akbay niya sa dalawang babae sa tabi niya. Tuwang tuwa siya nang lumapit si Sam sakanya kasunod nito ang tatatlong babaeng sexy
"Woohooo" Nakangising sipol pa niya
Nag-kantiyawan ang mga pinsan niyang maloloko at mga kaibigan niya. Palibhasa alam ng mga ito na seksing babae ang gusto niyang iregalo ng mga ito sakanya
"Happy birthday bespren!" Nakangising sambit ni Samuel sakanya habang umiindayog rin ito sa tugtog ng maingay na background music sa buong kwarto
Naka-maskara ang tatlong babaeng nakasunod dito at tanging mga labi lang ng mga ito ang hindi natatakpan. Ganoon pa man, masasabi niyang paniguradong magaganda ang mga ito. Alam ng kanyang kaibigan na mahilig siya sa maganda. Ayaw niya ng walang itsura. Mataas ang kanyang standard pagdating sa mga babae.
"Regalo ko sayo bespren! Magpakasawa ka sa tatlong ito"
"Woo! Iba ka Sam. Ikaw lang nagbitbit ng babae pang regalo kay Calix" Pang-aasar ng isa sa mga kaibigan nila
Umulan tuloy ng panunukso. Naging hyper ang lahat ng mga tao sa loob ng kwarto.
"Hi baby" Nilapitan agad ni Calix yung isa sa mga babae. Ito agad ang nakakuha ng atensyon niya dahil kumpara sa dalawang babae ay tahimik lang ito. Para bang nahihiya.
He likes it. Gusto niya ang mga babaeng mahiyain. Pero wild na kapag nakipaglaro sakanya sa kama
Ito rin ang may pinakamalaking dibdib sa tatlong babaeng regalo sakanya. Mukhang malulula siya sa dibdib nito mamayang gabi. Ngayon palang ay nasasabik na siya.
He can't wait to bang her in his bed. Kahit nga siguro ito lang ang regalo ni Samuel sakanya ay mapapasaya na siya nito ng husto
Tila hindi ito makatingin ng deretso sakanya. Hinapit niya ang bewang nito. Naamoy agad niya ang baby cologne nito.
Hmm she's smells nice. Ang bango nito. Mukhang bagong ligo at sariwang sariwa pa.
Sa tingin ni Calix ay bata pa ang babaeng ito. Hindi katangkaran ngunit napakasexy. Kurbang kurba ang bewang nito na para bang perpektong inukit.
Bumagay rito ang suot nitong itim na damit na para bang isa itong cat woman. Halos bra at panty lang iyon na mayroong black stockings na hangang tuhod.
Hindi na niya nabigyan ng atensyon ang dalawa pang babae na kasama nito. Natutok na kasi ang atensyon niya sa babaeng malaki ang hinaharap.
Napayuko ito nang maramdaman nito ang kanyang mainit na palad na humaplos sa bewang nito.
"Ang bango mo ah" Bulong niya sa dalaga. Pakiramdam niya lalo itong nahiya sakanya. Yumuko pa ito ng husto. Bahagya rin itong naninigas na para bang kinakabahan
Nag-kakasayahan na ang mga kaibigan niya at mga pinsan. Kanya kanyang inom na ang mga ito. Nakatingin lang sakanya ang dalawang babae habang ang isang babae lang ang nilapitan niya
Type niya ang body shape nito.
Nakakagigil.
"Baby first time mo ba?" His voice change. Para bang nag-iinit na siya. Ngayon palang ay gusto na niya itong dalhin sa isang kwarto at gawin ang ibat-ibang posisyon na naiisip niya
Hindi ito sumagot.
"Calix paano tong dalawa? Sakin na ba to?" Tanong ni Samuel dahil hindi niya nilalapitan ang dalawa pang babaeng regalo nito
"Sayo na yan. Isa lang muna ako" Nakangising niyang sagot kay Samuel. Mas hinapit niya pa ang bewang ng babaeng yakap yakap niya
Alam niyang mula sa escort service ang mga babaeng regalo sakanya ni Samuel. Hindi kumukuha ng babae si Samuel sa mga pipitsugin na escort service kaya may tiwala siyang sa mga first class escort service nagtatrabaho ang mga babaeng niregalo nito sakanya
"Baby wala ka bang dila?" Pilyong bulong pa niya at sinimulan na niyang halikan ang makinis nitong leeg
Nakakagigil kasi ang leeg nito.
Para bang ilang na ilang ito sakanya. Hindi man lang ito kumikibo.
"Anong pangalan mo?" First time niya magtanong ng pangalan ng isang babae. Gusto lang siguro niyang magsalita ito
"M-Maria Agnes" Mahinang tugon nito. Para bang pinapaliit ang boses.
Napakagat labi siya. Boses palang nito ay nasasabik na siya. Paano kaya ito umungol?
"Sweet. Bagay sayo ang pangalan mo. I'm Calix by the way.."
Nakita niyang napalunok ito.
Hindi niya maiwasan mapatingin sa mapupulang labi nito. Nakaka-akit iyong halikan at laplapin.
Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Hinapit na niya ng husto ang bewang nito upang tikman ang mapupulang labi nito.
Nalasahan niya agad ang fruity mint flavor ng lipgloss na ginamit nito.
Ang tamis.
Napaungol siya nang matikman niya ang matamis nitong labi.
Hindi ito nakagalaw sa ginawa niyang paghalik. Nang-gigil siya lalo sa bibig nito dahil napakalambot at napakatamis pa. Hinawakan niya ang likod ng ulo nito upang makipaglaplapan sa dalaga
Hindi ito tumutugon kaya napaungol siya.
"Damn kiss me back baby. What's wrong?" Saglit niyang pinutol ang pagsakop sa labi nito. Hindi kasi tumutugon ang dalaga sa paghalik niya
"S-Sorry po" Hingi paumanhin nito.
"No it's okay baby. Just kiss me back.." Muli niya itong hinalikan sa labi nito
Narinig niya pa ang kantiyawan ng kanyang mga kaibigan at mga pinsan. Tuwang tuwa ang mga ito dahil hinahalikan niya ang isa sa mga babaeng regalo para sakanya
Napaungol siya at napapikit nang maramdaman niyang unti unti itong tumutugon sa kanyang halik.
Hindi ito marunong humalik! Pero sarap na sarap siya dahil natural na masarap halikan ang mga labi nito
"Hmmmm. Damn ang sarap mong halikan" Ungol niya habang kahalikan ang dalaga.
Ang lambot ng katawan nito na yakap yakap niya habang hinahalikan ito. Wala na nga siyang paki-alam sa paligid.
Nadadarang na siya sa kanilang paghahalikan. Halos ayaw na niyang tantanan ang labi nito.
Hindi na niya napigilan ang sarili, Napasapo na siya sa isang malusog na dibdib nito
Bigla naman siya nitong tinulak nang maramdaman nito ang pagpisil niya sa dibdib nito
"Huwag Sir Calix!" Reklamo nito
Napakunot ang nuo niya nang marinig niya ang pamilyar na boses nito. Mabilis itong tumakbo palabas ng kwarto.
Bitin na bitin siya sa pakikipaghalikan sa dalaga. Kaya naman sinundan niya agad ito.
At nais niyang makumpirma kung sino ito. Para kasing narinig na niya ang boses nito.
Naabutan niya ito sa likod ng bar. Mabilis itong tumakbo ngunit mas mabilis siya kaya nahabol niya ito
"Wait baby!"
Hinablot niya ang pulsuhan nito at sinandal niya agad ito sa isang pader
Hingal na hingal ito.
"Who are you baby? Bakit mo ako tinawag na Sir Calix?" Kuryosong tanong niya
Yumuko lang ito.
Kaya naman dahan dahan niyang tinangal ang maskara na suot-suot nito
Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyan niyang masilayan ang magandang mukha ng dalaga
"Agnes?!" Kunot nuong tanong niya nang makilala niya ang dalaga!
"S-Sir Calix huwag niyo po akong isusumbong kay Nanay. Hindi ko ho alam na kayo ang magiging cliyente namin" Hiyang hiya ito habang nag-mamakaawa ang mga mata
He knew her! Ofcourse kilala niya ito!
Ito ang anak ng kasambahay nila sa mansyon. Dalawang taon na itong naninilbihan sakanila bilang kasambahay.
"Damn! Anong ginagawa mo rito? Prosti ka?" Kunot nuong tanong parin niya
Ngayon niya lang ito nakita na ganito ang ayos nito. Hindi nga niya napansin noon na sexy pala ito eh.
Magbabago yata ang tingin niya sa kasambahay nila dahil natikman na niya ang matamis na labi nito at napisil na niya ang malambot nitong dibdib.
Damn!