Chapter 22

2305 Words

MAGANDA ang gising ni Aniya dahil nakatulog siya nang maayos. Hindi naman siya napagod nang husto nang linggo dahil konti lang ang trabaho niya sa condo ni Nash. Hindi na ga-bundok ang nilabhan niyang damit at hindi na makalat ang unit. Sa ospital naman ay hindi rin siya nakatoka sa palikuran. Pagdating sa hotel ay dalawang kuwarto lang ang nilinis niya at ang function room. Mabilis din siyang nakatulog kasama ang nanay niya. Simula noong madalas nakikita ng nanay niya ang asawa kuno nito, doon na siya natutulog sa kuwarto nito. Naglatag lang siya ng foam sa sahig para mabantayan ito. Nagigising kasi sa alanganing oras ang ginang at nagsisisigaw. Kung hindi nito nakikita ang asawa ay napapanaginipan naman nito. As usual, nag-bake na naman siya ng cassava cake para kay Lucian. Hindi naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD