HINDI kumikibo si Lucian mula sa hapunan hanggang sa opisina ni Nash. Hindi na maintindihan ni Aniya ang mood nito, daig pa ang babaeng may dalaw. Ang bilis nitong mairita. Itong Nash naman ay inaasar pa ang pinsan. “Inaantok na ako. Iidlip muna ako, ah,” sabi ni Nash saka tumayo. “Sige, sir,” aniya. Kapag naroon sa hotel ay tinatawag niya itong ‘sir’. Ayaw naman ni Nash na hanggang sa labas ay ganoon ang tawag niya rito. “Behave ka lang, Lucian. Kapag isang oras na at hindi pa ako nakabalik, isara na ninyo ang opisina,” habilin pa ni Nash. “Noted, sir,” sabi niya. Tahimik lang si Lucian. Seryoso ito sa pagbabasa ng papeles habang nakaupo sa swivel chair na katabi ng lamesa ni Nash. Meron din naman itong lamesa. Siya naman ay nakaupo lang sa couch at sa mesita niya inaayos ang papele

